Monday, February 25, 2013

Wag iboto si Mrs. Villarroyo



Kung natatandaan pa natin ang diktadura ni Ferdinand at Imelda Marcos, parang ganito ang tambalang Manny at Cynthia Villar.

Hindi puwedeng paghiwalayin si Manny at Cynthia. Kung si Manny ay Sipag at Tiyaga, si Cynthia ay Misis Hanep Buhay.

Kung titingnan ang panawagan ng dalawa, parang ang daling umunlad sa buhay. Noong kumandidato si Manny Villar, ang panawagan niya ay kung masipag ka at matiyaga, kahit lumalangoy ka sa basura, aasenso ka.

Ngayon naman, ang sinasabi ni Cynthia ay kung mag-nenegosyo ka, magbabanat ng buto, uunlad ka sa buhay.


Ngunit kung ating susuriin, hindi naman sa pagbabanat buto umunlad ang mag-asawa. At tulad ng karamihan sa mga political families, ginamit nila ang kanilang impluwensiya at kapangyarihan upang yumaman.

Una, si Cynthia ay galing sa angkan ng mga Aguilar sa Las Pinas, na kilala bilang isa sa napakaimpluwensiyang pamilya sa Pilipinas.

Katunayan, si Cynthia ay dating kinatawan ng Las Pinas City.

Pero bago siya nahalal bilang kongresista ng Las Pinas, ang posisyon ay inokupa ng kanyang ama na si Filemon Aguilar. Maging si Sen. Manny Villar ay naging kinatawan din ng distritong ito.

Ngayon ang kinatawan ng Las Pinas ay ang anak ni Cynthia na si Mark Villar.


Kakaiba di ba? Nagpalitan lang ng tao, pero mula sa iisang pamilya.

Si Filemon Aguilar ay nahalal din bilang Mayor ng Las Pinas tulad ng kanyang anak na si Vergel Aguilar, ang kasalukuyang alkalde ng lungsod.

Tandaan din natin na ginagawa ito ng mga Villar hindi upang magsilbi. Ginagawa nila ito bilang pang-ayuda sa kanilang negosyo. Kapag kasi nasa posisyon ka, may kapangyarihan ka at may impluwensiya pa.

Kaya't kung ating matatandaan, sangkot hindi lamang si Sen. Manny Villar kungdi ang buong angkan ng senador kasama si Misis Manny Villar na walang iba kungdi ang kumakandidatong si Cynthia Villar sa anomalyang ito.

Kung susuriin,  hindi sipag at tiyaga ang ipinuhunan ni Sen. Manny Villar upang yumaman kung hindi impluwensiya bilang senador.

Ganito rin si Cynthia, hindi "hanep buhay" para sa mamamayan ang nais niya, kung hindi hanep buhay para sa Pamilyang Villar.


Kaya sa darating na halalan ngayon Mayo, huwag isama sa boto ang mga pulitikong tulad ng mga Villar. Isargo sa balota mga Villar na manloloko.

No comments:

Post a Comment